advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gov Vilma Santos, may request kina Pacquiao, Jennylyn Mercado


Very happy and thankful si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa suportang ibinigay ng “Pambasang Kamao" na si Rep. Manny Pacquiao sa taunang Alay-Lakad na ginawa sa naturang lalawigan. Ayon kay showbiz reporter Lhar Santiago, kahit halos walang tulog ay pinangunahan ni Ate Vi ang makabuluhang Alay-Lakas na layuning makalikom ng pondo para maibalik sa eskuwelahan ang mga out-of-school youth. Kasama ni Ate Vi sa paglalakad ang kanyang anak na si Luis Manzano, Optical Media Board chairman Ronnie Ricketts at special guest si Cong Manny Pacquiao.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Masaya ang mga kababayan ni Ate Vi dahil bukod sa hindi binigo ni Manny ang kanilang imbitasyon, nagkaloob pa ito ng donasyon para sa naturang proyekto. Hiniling din si Ate Vi na sana ay madala ni Manny sa Batangas ang show nito sa GMA 7 na Manny Many Prizes. “Sabi ng grupo niya na baka one of this days sana dito niya gawin yung Manny Many Prizes… looking forward why not," pahayag ng actress-politician sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Samantala, hindi naman naiwasan na hanapin ng mga tao kay Luis si Jennylyn Mercado na nauugnay ngayon sa aktor. At kahit wala sa naturang event si Jennylyn, may request din sa kanya si Ate Vi. “Kung okey lang kay Jennylyn sana as early as this I’m inviting her to join us sa foundation day sa December ‘yon (first week)… Jennylyn kung nakikinig ka baka pwede… lambingin mo na rin anak," nakangiting paanyaya ni Ate Vi. - FRJImenez, GMA News
LOADING CONTENT