advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Luis Manzano, sasabak nga ba sa pulitika?


Malakas ang naging hiyawan ng mga tao nang ipakilala ang anak ni Batangas Gov Vilma Santos-Recto na si Luis Manzano, bilang susunod na alkalde ng Lipa City. Sa GMA News Saksi nitong Biyernes, iniulat na kabilang si Manzano sa mga sumali sa Alay-Lakad na inorganisa ng kanyang ina para makalikom ng pondo para sa out-of-school youth program sa lalawigan. Sa entablado, ipinakilala ng emcee si Luis na susunod (kung papayag) na maging punong-lungsod ng Lipa. Ang naturang pagpapakilala ay sinalubong naman ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao. Hindi nakapanayam ng GMA News si Luis pero mismong si Gov Vi ang nagsabi na may pahiwatig ang kanyang anak na sundan ang kanyang yapak.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Ako rin nagugulat sa anak ko kasi tinanong ko rin siya, ‘ikaw ba someday sa tingin mo papasok ka rin sa pulitika?’ Alam mo ang sagot niya, ‘I might enter into politics,’" ayon sa actress turned politician. Bagong naging gobernador ng Batangas, naging alkalde muna ng Lipa si Ate Vi. Mula raw nang bumaba siya sa puwesto bilang alkalde ay may mga naghikayat na sa kanya na patakbuhin bilang kapalit niya sa Lipa si Luis. Ngunit tutol umano siya noon dahil bata pa ito at nag-eenjoy sa kanyang career sa showbiz. "Nitong huli ko siyang tinanong kanina, ‘anak anong tingin mo dito, tingin mo kaya mo ‘to? Sabi niya, ‘yah," ayon sa gobernador. Bukod kay Luis, dumalo rin sa Hakbang ko, Alay sa Kabataang Batangueño sina Optical Media Board chairman Ronnie Ricketts at special guest si Cong Manny Pacquiao. - FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT