Vice Ganda, hinamon ng showdown ng 'Wondergays'
Dahil sa umanoây pagmamaliit sa kanilang grupo, hinamon ng all gay group na 'Wondergays' ng showdown ang kanilang idolo na si Vice Ganda. Sa In The Limelight ng GMA News TV 11 nitong Huwebes, sinabing unang nalaman ng grupong nagpasikat ng kanyang âBlind Item," ang umanoây pagmamaliit ni Vice nang mag-guest sila sa radio program ni Tita Swarding. Sa isang tweet umano ni Vice, nakasaad dito ang mensaheng: âwondergays, sino ba sila? Wala silang mararatingâ¦" âSinasabi niyang di niya kami ka-level at hindi raw namin mararating yung narating niya. Ang masasabi ko lang dun sana âwag naman ganun kasi idol namin si Vice Ganda at ipinagmamalaki namin talaga na iniidolo namin siya. So sana suportahan na lang, magtulungan tayo tutal pare-pareho naman kaming becki," pahayag ni Blue, na miyembro ng grupo. âIdol ka namin sa talent pero sa personalityâ¦confuse pa kami," ayon naman kay Gray.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Hinanakit ng Wondergays, wala daw silang ginagawang masama para sila maliitin. Katunayan nais pa nga raw sana nilang makasama ang idolo sa isa nilang concert. Kaya ang hamon ng Wondergays sa kanilang idolo, mag-showdown na lang sila. Sinabi sa ulat ng ITL na wala na sa Twitter ang naturang mensahe laban sa Wondergays. Itinanggi na rin umano ng kampo ni Vice ang naturang akusasyon at baka raw na-hack lang ang account nito. Bukas ang ITL na makuha ang panig ng comedian. - FRJ, GMA News