Francis Magalona bilang National Artist?
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 taon sanang kaarawan ng namayapang si Francis Magalona nitong Martes, inilunsad ang Francis Magalona Foundation, na layuning panatilihin at palaganapin ang adbokasiya ng pagiging makabayan ng Pinoy âMaster Rapper." Sa In The Limelight ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing present sa launching ng foundation ang misis ni Francis na si Pia Magalona at mga anak nito kabilang na sina Maxene at Elmo Magalona. Ang pagiging makabayan ni Francis ay nakatatak sa mga nilikha niyang awitin at mga ginawang disenyo. Ilan sa mga awitin na ito ay ang âMga Kababayan" at "Man From Manila." Sa pamamagitan ng foundation, inaasahang mapananatiling buhay ang hangarin ni Francis M na isulong ang positibong pagbabago at true sense of Filipino pride.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV At dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Francis sa bayan bago siya pumanaw dahil sa sakit na leukemia, may mga nagsusulong na gawing National Artist ang master rapper. Pero para kay Maxene, ang hangad lang nila ay mapanatiling buhay ang hangarin ng kanya ama at iyon ay maging proud ang mga Pinoy sa kanilang lahi. âMy dad, what we really wanted lang naman was to be remembered for the work⦠for what he did. Pero hindi kailangan ng award, hindi kailangan ng title or ano⦠ang kailangan lang is maging proud ang mga Filipino âyon lang, ang gusto ng daddy namin âyon lang," ayon kay Maxene. âHindi importante âyon but as a daughter siyempre, as his children yun ang gusto namin and yun ang tingin namin sa kanya na he was a genius, he still is⦠parang he deserves to be acknowledged as a national artist," dagdag niya. Sinabi naman ni Pia na habang tumatatagal ay lalong nangungulila siya sa mister pero ipinagpapasalamat na rin niya na nakasama niya si Francis sa loob ng 25-taon. -- FRJimenez, GMA News