Aljur Abrenica at Sam Pinto, sila na ba?
Matapos maugnay kay Kylie Padilla, may mga nagsasabing si Sam Pinto naman ngayon ang nililigawan ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica. Sa ulat ng Showbiz Exclusive ng GMA New TV nitong Miyerkules, sinabing nagkasama sina Aljur at Sam sa isang komersiyal at dito nagsimula ang mga balitang pinormahan ng binata ang idineklarang sexiest Pinay ng isang men’s magazine. “Siguro naman lahat gustong ligawan si Sam… pero focus muna sa trabaho," paliwanag naman ni Aljur. Gayunman, sinabi ng Kapuso actor na masaya siya ngayon dahil madalas silang nagkakakasama ni Sam. Samantala, masayang sinabi naman ni Sam na good friends lang sila ni Aljur. “Si Aljur yung kaibigan ko na masarap lang asarin… kasi hindi naasar," ayon sa sexy Kapuso star. - FRJimenez, GMA News