ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PNoy, Grace Lee nag-date sa concert ni Sergio Mendes sa Araneta


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang sina Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III at nililigawan nitong Kapuso host na si Grace Lee, sa mga nanood sa concert ng Brazilian jazz legend na si Sergio Mendes nitong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Bukod kina PNoy at Grace, ilan pa sa pares na namataan sa concert ay ang mag-asawang sina dating pangulong Joseph Estrada at dating Sen. Loi Ejercito, at sina Transportation Secretary Mar Roxas II at Korina Sanchez. Nandoon din ang mga kapatid ng pangulo na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Dee. Maging sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Atty Karen Jimeno, tagapagsalita ni Chief Justice Renato Corona. Matapos ang concert ni Sergio Mendes, nag-tweet ang magandang tagapagsalita ni Corona: “Just finished watching Sergio Mendes live. Also saw there Pnoy, Grace Lee, Mar Roxas, and Korina Sanchez. “ERAP was there too but didn't see him w/ a date:) now I know why there was so much security men around Araneta." Noong nakaraang linggo, kumalat ang balita na nag-break na umano sina Aquino at Grace sa kabila ng kawalang kumpirmasyon na sinagot na ng 29-anyos na dalaga ang 52-anyos na binatang pangulo. Sa pamamagitan ng pag-tweet, nagpahayag ng pagkadismaya si Grace sa lumabas na balitang nagkakalabuan na sila ng pangulo dahil muling nabigyan ng pansin ang kanilang pribadong buhay. - FRJimenez, GMA News