ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama, may panibagong libel cases na haharapin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May panibagong kasong libelo na kinakaharap ang kontrobersiyal na talent manager na si Annabelle Rama na isinampa ng dating aktres na si Amalia Fuentes. Ang 11 counts of libel ay inihain ni Amalia sa Quezon City Prosecutors Office nitong Miyerkules, ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras. Damay din umano sa reklamo ang TV host na si Bianca Gonzales. Sinabi sa ulat na nag-ugat ang reklamo ni Amalia bunga umano ng mga mapanirang pahayag ni Annabelle laban sa kanya nang makapanayam ito ni Bianca, at nalathala sa isang pahayagan. Bukod dito, inireklamo rin ng dating aktres ang mga mapanirang tweets umano ni Annabelle laban sa kanya. Wala na raw nakikitang ibang paraan si Amalia para matigil si Amalia sa pag-atake sa kanya kundi ang dumulog sa korte. Bago si Annabelle, nauna nang kinasuhan ng libelo ni Amalia ang anak ng una na si Ruffa Gutierrez. Samantala, sinisikap ng GMA News na makuha ang komento nina Annabelle at Bianca tungkol sa reklamo ni Amalia. Bukod kay Amalia, nagsampa rin ng kasong libelo laban kay Annabelle sina Nadia Montenegro at life partner nito na si dating Caloocan City mayor Macario Asistio. -- FRJ, GMA News