ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jose Manalo,  patuloy ang pagsuporta sa mga anak kahit matagal nang 'di nakikita


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpapasalamat ang komedyanteng si Jose Manalo dahil unti-unti nang naaayos ang mga problemang hinaharap niya sa kanyang pamilya. Gayunpaman, wala pa rin silang komunikasyon ng kanyang asawang si Annalyn at hindi pa rin nito nakikita ang kanyang mga anak. Hindi naman ito naging dahilan upang tumigil si Jose sa pagsusuporta sa kanyang mga anak ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng "24 Oras" noong Miyerkules. "'Yong mga bata iyon lang ang importante, kailangan asikasuhin natin 'yong mga bata, 'yong mga pangangailangan nong mga bata huwag natin pabayaan iyon," sabi ni Jose. Naniniwala rin si Jose na hindi kailangang maapektuhan ng mga anak nito lalo na sa pag-aaral kahit may hinaharap silang problema ng kanyang asawa. "Tuloy naman. Tuloy naman kung papaano tayo magbigay sa kanila, 'yong mga pangangailangan naman nila, dire-diretso naman 'yon," pahayag ni Jose. Sa mga naunang balita, ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng San Juan City ang reklamong paglabag umano sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 laban kay Jose noong Hulyo. Ang naturang reklamo ay isinampa ng kanyang asawa noong Pebrero 2012. — Mac Macapendeg /LBG, GMA News