We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinakilala na rin sa publiko ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senador Francis "Kiko" Pangilinan ang kanilang adopted son na si Miguel kasabay ng pagdaraos ng ikatlong birthday nito.
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Lunes, bakas sa mag-asawa ang matinding saya nang ipakilala nila sa publiko ang kanilang itinuturing na bunsong anak. "Sa akin walang kaibahan. Even the kids, they don't distinguish between biological and you know [adopted]. Kapatid nila si Miguel," saad ni Sharon. Kaya naman tinodo at talagang magarbo ang birthday celebration para sa ikatlong taon ni Miguel kung saan imbitado ang mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa media, showbiz at pulitika. Wika pa ni Sen. Kiko, "That's why we have a big celebration, kasi everything is in order, lumabas na ‘yung ruling ng court. He's now legally a Cuneta-Pangilinan." Kabilang sa godparents ni Miguel ang aktres na si Ciara Sotto at ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Samantala, dahil lumipad na patungong ibang bansa ang Team Pacquiao bilang paghahanda sa nalalapit ng laban ng Pambansang Kamao, hindi na nakadalo ang Ninang Jinkee at Ninong Manny ni Miguel sa party. Dumalo rin sa naturang birthday party sina Helen Gamboa at Sen. Tito Sotto. Ang kanilang pagdalo ang bumasag sa mga balitang may tampuhan sila ng Megastar. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News