ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derrick Monasterio, itinuturing dream come true ang makatambal si Barbie Forteza


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang matagumpay na tambalan nila sa multigenerational soap na Luna Blanca, muling nagkasama ang dalawa sa pinakabagong telefantasya soap ng GMA-7, ang Paroa: Ang Kwento ni Mariposa. Sa naturang serye, dadalhin ng DerBie, tawag sa tambalan nina Barbie at Derrick, ang mga Kapuso sa makulay na mundo ng mga paru-paro. At kahit telefantasya ang tema ng palabas, mabibigat pa rin daw at madrama ang mga eksena ni Barbie. "Sa isang taping, mga limang eksena lang ‘yong hinid ako umiiyak, the rest heavy. Kaya talagang inaasahan ko po ang lahat na manood at maghanda ng tissue," pahayag ni Barbie sa ulat ni Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Martes. Kahit hindi ito ang unang pagtatambal na dalawang tween stars, hindi pa rin daw nila maiwasang makaramdam ng pressure mula sa kanilang fans dahil bago pa lamang ang kanilang tambalan. "Masaya ako kasi para maka-love team si Barbie, isang dream lang ‘yon, eh, na siyempre natupad na. Ngayon kailangan talagang gawin ko ‘yong best ko dito. So, merong konting pressure po," paliwanag ni Derrick. Kwento naman ng young actress, mas matindi ang magiging bonding nila ni Derrick sa palabas dahil magkakaroon sila ng maraming physical contact dito. "Actually, nape-pressure din kami. Doon sa Luna Blanca wala kami masyadong physical contact. Dito, talagang dito kami as in magiging close bilang Inigo at Mariposa so kailangan talaga dapat na may bonding, magbo-bond talaga dapat kami," pahayag ni Barbie. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News