ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras at Ynna Asistio, ikakasal na nga ba next year?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinagot ng Kapuso star na si Mark Herras ang mga naglalabasang ulat na ikakasal na sila ng kanyang nobyang si Ynna Asistio sa susunod na taon. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, iniulat ni showbiz reporter Lhar Santiago na hindi binigo ni Mark ang teen dancer ng Party Pilipinas na si Julian Trono sa pagdalo sa pagpapasinaya sa binuksan nitong dance studio. Sobrang bilib ni Mark dahil sa murang edad na fifteen ay nakapagtayo na ng negosyo si Julian, na katulad niya ay sobrang hilig din ang pagsasayaw. Labis naman ang pasasalamat ni Julian sa mga suporta at payong ibinibigay sa kanya ng tinaguriang "bad boy of the dance flor" na si Mark, na mistula na raw niyang tatay. Sa Biyernes ay ipagdiriwang ni Mark ang kanyang ika-26 na taong kaarawan, na para sa marami ay tamang edad para lumagay na sa tahimik. Kaya naman may mga naglalabasang ulat na sa 2013 ay ikakasal na sina Mark at Ynna. Pero paglilinaw ni Mark, wala pa sa plano nila ni Ynna ang pagpapakasal next year. "Hindi pa po,' tugon ni Mark. "But I'm happy we're still together at lalo kaming nagiging matibay habang tumatagal yung panahon. Idinagdag pa ni Mark na simpleng salu-salo lang sa kanilang bahay ang kanyang planong selebrasyon sa kanyang kaarawan. "Small gathering lang sa bahay, yun lang naman ang plano ko. I don't want to celebrate naman na masyadong malaki or malaking venue, basta makapag-celebrate lang ako ng birthday ko," pahayag nito. - FRJimenez, GMA News