ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tween star Bea Binene, napiling ambassador ng Plan International


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napili kamakailan ang Tween star na si Bea Binene bilang ambassador ng Plan International, isang climate change awareness program. Ayon sa ulat sa Chika Minute ng "24 Oras" noong Miyerkules, ipaparating daw ng aktres sa mga kabataan ang impormasyon at epekto ng climate change.   Para kay Bea, mahalaga raw na magkaroon ng sariling kaalaman at aksyon ang mga kabataan tungkol sa climate change. Isa sa mga paraang naisip ni Bea upang ikalat ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa naturang paksa ay ang paggamit ng mga social networking sites. Wika pa ng aktres, "A lot of people are on Facebook [and] on Twitter. Parang sasabihin ko sa social networking sites na yon, na kung ano yong kahalagahan ng awareness na to." - Mac Macapendeg, VVP, GMA News

Tags: beabinene