ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jessica Sanchez, umabot na sa isang milyon ang Twitter followers


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahigit isang milyon na ang Twitter followers ng may dugong Pinay na American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez. Ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, ang bilang na ito ng followers ay patunay na patuloy na dumadami ang humahanga kay Jessica. Maging ang singer ay hindi rin makapaniwala sa dami ng kanyang "Blujays" at "Jessbians," ang tawag sa kanyang mga tagahanga. May kanya-kanya ring pagbati ang mga tagahanga niya sa pag-abot ng isang milyon ng followers ng kanilang idolo. Pero bago pa man umabot sa isang milyon ang kanyang Twitter followers, sinariwa ng 17-anyos na singer ang kanyang pagbisita sa Pilipinas kamakailan. Sa katunayan, nagpost pa si Jessica ng kanyang litrato na kinunan sa University of Santo Tomas na may hashtag na #itsmorefuninthephilippines. - Mac Macapendeg/ FRJ, GMA News