ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Bernal, Kapuso pa rin
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling pumirma ng bagong kontrata ang actress na si Kris Bernal sa GMA Kapuso Network.
Ayon sa ulat sa Chika Minute ng 24Oras noong Lunes, masaya raw si Kris dahil inaalagaan siya nang mabuti ng kanyang home network mula pa nang magwagi siya sa Starstruck.
"Alam ko na ang tiwala po sa akin ng GMA [ay] nandiyan. At saka alam ko na alagang-alaga po nila ako," batid ng batang aktres.
Dumalo sa nasabing contract signing sina GMA chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA president at COO Gilberto Duavit Jr., GMA Films president Atty. Annette Gozon Abrogar, at ilan pang opisyal ng network.
Samantala, tutungo namang Europe ang aktres upang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya.
Wika pa nito, "Pupunta po ako ng Europe for one month po. So, first time ko yon kasama ko po yong family ko."
Gayundin, marami na raw naka-lineup na proyekto para sa aktres. Sa katunayan, may sisimulan siyang bagong soap opera pagkatapos ng kanyang isang buwang bakasyon. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: krisbernal
More Videos
Most Popular