ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Recruitment' ng Bubble Gang, dinagsa; ilang personalidad, nag-audition din


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tulad ng inaasahan, dinagsa ng mga aspiring comedian ang audition na ipinatawag ng number gag show na Bubble Gang para maghanap ng bagong miyembro. Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing maging ang ilang personalidad ay nakipila rin sa audition na ginawa sa GMA Network nitong Lunes para makapagpasikat sa mga hurado. Dahil walang special treatment, kinailangan ding mag-audition ng Kapuso hunk na si Enzo Pineda. Nag-audition din ang dating basketball player ng Ateneo na si Jobe Nkemakolam. "Nung bata ako gusto ko talagang maging part ng Bubble Gang... pangarap ko ring makasama si Michael V," pahayag ni Jobe. Sampu ang makakasama sa shortlist na isasalang sa susunod na mga episode ng gag show. Mula dito, isa hanggang dalawa ang pipiliin para maging regular na miyembro ng comedy program ng GMA-7. -- FRJimenez, GMA News