ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pia Guanio at Baby Scarlet, cover ng isang parenting magazine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napiling cover para sa isang parenting magazine si Baby Scarlet kasama ang kanyang mommy at Chika Minute host ng GMA news 24 Oras na si Pia Guanio-Mago. Sa ulat ni Nelson Canlas para sa Star Bites ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ni Pia na ipinagdasal niya na in good mood si Scarlet sa photo shoot para maging maganda ang kalalabasan ng kanilang mga kuha. Nagpapasalamat si Pia na lumalaking healthy ang baby nila ni Steve na anim na buwan na ngayon. Katunayan, nakakaupo na raw mag-isa si Scarlet, at kahit hindi pa ito nakakagapang ay nagpipilit na raw tumayo. Kung lumalaking healthy si Scarlet, si Pia, back in shape na matapos manganak. At ang payo ni Chika Minute host sa mga bagong panganak na mommy na gustong maging sexy uli: "I went biking, swimming, running... take care of the things that you [are] supposed to be eating." - FRJ, GMA News

Tags: piaguanio