ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso programs at personalities, pinarangalan sa Gawad Tanglaw at USTv Award


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tumanggap ng parangal at pagkilala ang mga personalidad at programa ng GMA-7 at GMA News TV mula sa dalawang organisasyon na Gawad Tanglaw at USTv Award. Iniulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, na ang GMA Network ang kinilalang Best TV Station of the Year sa 11th Gawad Tanglaw na ginanap sa Colegio de San de Letran sa Calamba, Laguna. Nakamit naman ng dzBB Super Radio ang pagkilala bilang Radio Station of the Year at Best AM Station, at ang Unang Hirit ang pinarangalan bilang Best Morning Show. Ibinigay naman kay German "Kuya Germs" ang pinakamataas na pagkilala na Gawad Tanglaw Sa Sining Sa Telebisyon, at kay Eddie Elarde ibinigay ang Gawad Tanglaw Sa Radyo. Idineklara naman na Hall of Famer bilang Best TV News Anchor si Vicky Morales. Samantala, Best TV Documentary ang I-Witness, at Best Investigate Program ang Imbestigador. Kinilala bilang Best Gag Show ang Bubble Gang, at Best TV Cooking Show ang Kusina Master. Ang State of the Nation With Jessica Soho ng GMA News TV ang itinanghal na Best News Program, at Best Lifestyle Program ang Powerhouse. Umani rin ng parangal ang Kapuso station sa USTv Award ng University of Sto Tomas kung saan binigyan ng Special Citation ang San Perdo Calungsod Documentary Drama ng GMA News TV. Iginawad ang Student Choice of Documentary Program sa I-Witness, at Student Choice of Magazine Program ang Kapuso Mo Jessica Soho. Si Jessica Soho rin ang Student Choice of Female News and Current Affairs Host, habang si Julie Ann San Jose ang Student Choice of Local Music Video Artist. Napunta sa Party Pilipinas ang Student Choice of Talk Variety Show, habang Student Choice of Gag Show ang Bubble Gang.    Ang Pepito Manaloto ang Student Choice of Sitcom, at Eat Bulaga ang Student Leaders Choice of TV Program, habang ang i-Bilib host na si Chris Tiu ang Student Choice of Sports Personality. -- FRJimenez, GMA News