ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood actor Liam Hemsworth at Korean actress Park Shin Hye, nasa Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasa bansa ngayon ang Hollywood actor na si Liam Hemsworth at ang Korean actress na si Park Shin Hye. Bumida si Liam sa pelikulang "Hunger Games," habang unang nakilala naman ng mga Pinoy fans si Shin Hye sa Koreanobelang "Stairway To Heaven."

Habang nasa Pilipinas, magiging abala si Liam sa pag-endorso ng isang local clothing brand kung saan magkakaroon siya ng meet and greet sa kanyang mga Pinoy fans.



Kamakailan lang ay umugong ang balitang nagkakalabuan na sina Liam at ang kanyang  fiance' na US pop star na si Miley Cyrus.

Samantala, iniulat naman ni Cata Tibayan sa Balitanghali na excited si Shin Hye na makasama ang kanyang mga Pinoy fans sa kanyang unang pagbisita sa Pilipinas.

Nakilala ang Korean young actress bilang batang Jody sa tinutukang Koreanobelang "Stairway to Heaven."

Game naman na nagpaunlak ng panayam at nagpakuha ng litrato si Shin Hye kasama ang kanyang mga tagahanga.

"Kiss of an Angel's" Park Shin Hye at the press conference.
 
Si Park Shin Hye ay kasama sa mga Hallyu-stars na dumating sa bansa para ibahagi ang kanilang star power. Ang kanyang “Kiss of Angel in Manila” ay gaganapin sa March 16, 2013 sa Star Theater, CCP Complex, Pasay City.

Lubos na natuwa ang Korean star nang makita ang mga nag-aabang na tagahanga sa airport nitong Biyernes ng umaga.

Tatagal si Hye sa bansa ng tatlong araw. -- FRJimenez, GMA News