ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras, nawalan ng oras kay Ynna Asistio dahil sa trabaho


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inamin ng Kapuso young actor na si Mark Herras na nawalan ito ng oras sa kasintahang si Ynna Asistio dahil naging abala ito sa kanyang pinagbibidahang panghapon na soap opera sa GMA-7 na "Unforgettable." 
 
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, dahil sa umano'y kawalan ng oras ay umabot ang kanilang relasyon sa paghahamon ng aktres ng hiwalayan.
 
Gayundin, aminado naman si Mark sa kanyang pagkukulang ngunit masaya naman nitong ibinalitang naayos na nila ang kanilang pinagdaanang pagsubok bilang magkasintahan.
 
"Pero seryoso po, talagang nawalan ako ng time for Ynna dahil po nagstart yong bago naming soap ni Kylie [Padilla] tapos medyo naghahabol kami sa taping so almost everyday kami nagta-trabaho," wika ni Mark sa panayam ng StarTalk TX noong Sabado.
 
"So pag may chance na magpahinga, natutulog or yon nga po, nagpapahinga na lang ako sa bahay. Pero so far, okay naman po kami," dagdag nito.
 
 
Samantala, nagbigay din ng mensahe ang aktor sa mga taong nagpahayag ng saloobin gamit ang social media ukol sa kanilang relasyon ni Ynna.
 
"At sa mga social media na nangingialam, huwag na kayong umepal kasi wala naman kayong magagawa," aniya. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News