ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Louise delos Reyes, nakatuon sa trabaho matapos ang hiwalayan nila ni Enzo Pineda
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakatuon ngayon sa trabaho at unti-unti na rin ang pagmove-on ng Kapuso actress na si Louise delos Reyes matapos nitong amining hiwalay na sila ng kasintahang si Enzo Pineda.
Gayundin, bagama't maayos at civil ang pakikitungo nila sa isa't isa, aminado ang aktres na nahihirapan pa rin ito dahil madalas pa rin silang nagkikita ni Enzo sa GMA, kung saan pareho silang talent.
Wika pa ni Louise sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras noong Miyerkules, "We're okay naman pero it's not like before na friendship namin before the relationship. It's more on parang civil lang."
Sa kabila ng pinagdadaanan ni Louise, masaya ito dahil suportado siya ng kaibigan at katambal na si Alden Richards.
Aniya, "Si Alden is always there talaga, nasasabihan ko siya kung ano man 'yong sama ng loob ko, minsan pinapatawa niya ako, nagjo-joke siya. So, 'yon 'yong mga help niya sa akin."
Samantala, napapanood ngayon ang Kapuso actress sa GMA primetime show na "Mundo Mo'y Akin" kung saan gumaganap siya bilang si Marilyn. Para sa papel na ito, kinailangan ng aktres na lagyan ng prosthetic.
Kwento pa nito, "Okay lang sa'kin kasi parang nandoon na 'yong sawa factor na palaging ganito 'yong hitsura ko, normal. At least ito, nalagyan ko na ng check 'yong isang gusto kong maging role na may iba sa hitsura ko." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: louisedelosreyes, enzopineda
More Videos
Most Popular