ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regalong relo at trailer ni Chiz, hindi totoo ayon kay Heart Evangelista


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinabulaanan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang balitang niregaluhan siya ng mamahaling relo na nagkakahalagang limang milyong piso at isang trailer van ng kasintahang si Senador Francis "Chiz" Escudero. 
 
Bukod pa rito, itinanggi rin ng aktres ang balitang may plano na silang magpakasal ng senador.
 
"It's a joke. Wala pa naman kaming pinaguusapan. Madami pa akong kailangan gawin," pahayag ni Heart sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras noong Miyerkules.
Maging si Chiz ay itinanggi na may balak na nga silang magpakasal ng kasintahang si Heart.   
 
Samantala, magkahalong lungkot at saya naman ang nararamdaman ngayon ni Heart dahil nalalapit na ang pagtatapos ng pinagbibidahang GMA Afternoon soap na "Forever."
 
Sa katunayan, natapos na ang kanilang last taping day na ginanap sa Antipolo City. 
 
Aminado naman si Heart na mami-miss nito ang kanyang co-stars na itinuturing na niyang pamilya.
 
Wika pa ng aktres, "Lahat naman sila sa show naiintindihan na may pinagdadaanan ako kaya nakakatuwa kahit trabaho, trabaho nandiyan pa rin 'yong care nila para sa akin." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News