ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Benjamin Alves at Polo Ravales, nagkainitan sa eksena ng 'Unforgettable'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Aminado si Benjamin Alves na natangay siya sa confrontation scene sa GMA soap na "Unforgettable" kaya aksidente niyang nasaktan ang co-star na si Polo Ravales. Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Star Bites" ng Balitanghali nitong Martes, sinabing magkaribal ang karakter na ginagampanan nina Banjamin at Polo. Kaya naman sa kanilang confrontation scene, natangay sila ng matinding intensity ng eksena at nagmistulang totoo na ang away. Sa kuha sa kamera, makikita na naging mahigpit ang pagkakahawak ni Benjamin sa leeg ni Polo. Tinugunan naman ito ng Polo ng malakas na paghawi sa kamay ni Benjamin. Inamin naman ni Benjamin ang pagkakamali at kaagad siyang humingi ng paumanhin kay Polo matapos ang eksena para maiwasan na lumala pa ang sitwasyon. Naging bukas naman ang pananaw ni Polo at tinanggap ang paghingi ng paumanhin ni Benjamin. Batid daw ni Polo na masyadong intense ang eksena at kasama sa kanilang trabaho bilang artista na hindi maiwasan na magkasakitan. - FRJImenez, GMA News