ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mayor Kris o Governor Kris?: Kris Aquino, posibleng pasukin na ang pulitika sa 2016


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Makaraang unang ihayag ang plano na iwan ang showbiz para matutukan ang kanyang mga anak, inanunsiyo naman ngayon ni Kris Aquino ang kanyang plano na tuluyan nang pasukin ang pulitika sa 2016. Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ni Kris na posibleng pagka-alkalde sa isang lugar sa Metro Manila o gobernador ng Tarlac ang kanyang asintahin sa susunod na halalan. Basahin: Kris Aquino for VP sa 2016, tinawag na 'chika' ni Lacierda Kasalukuyang botante ng Makati si Kris pero aminado siya na mahihirapan siyang talunin dito ang mga Binay, na kanya ring mga kaibigan. "Mukhang hindi ko matitibag ang mga Binay doon so kailangang maghanap ng city sa Metro Manila na pwede kong lipatan para pwede akong maging mayor," ayon sa kontrobersiyal na tv host-actress. Isa ring pagpipilian ni Kris ay ang tumakbong gobernador sa lalawigan ng Tarlac na kilalang balwarte ng mga Cojuangco-Aquino. Ani Kris, patapos na ang termino ng gobernador sa Tarlac na kanilang kamag-anak at handa naman daw ibigay sa aktres ang posisyon. Basahin: Kris Aquino, nagsalita na sa sigalot nila ni James Yap; isiniwalat na planong iwanan na ang showbiz "Sa Tarlac posible kasi last term na nitong 2013 ni Gov.  Vic Yap, so binibigay naman niya sa'kin kung gusto ko daw," kwento niya. Abala si Kris sa pag-iikot sa ilang lugar para ikampanya ang kanyang mga kaibigan tulad nina senatorial candidates Francis Escudero, Grace Poe, at Bam Aquino. Nangampanya na rin ang aktres para kina re-electionist Taguig Mayor Lani Cayetano at  mayoralty candidate Florencio "Bem" Noel sa Tacloban City. Ngunit bago niya tuluyang pasukin ang pulitika, sinabi ni Kris na hihingin muna niya ang permiso ng kanyang pamilya at kukuha ng Master sa public administration. Nitong nakaraang buwan, isiniwalat ni retired Archbishop Oscar Cruz ang mga nasagap niyang impormasyon tungkol sa pagpapalutang ng pangalan ni Kris para patakbuhing bise presidente umano sa 2016.-- FRJimenez, GMA News

Tags: krisaquino