ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bandang Aerosmith, maagang dumating sa bansa para sa kanilang concert


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumating na sa bansa mga 5 ng hapon ng Linggo ang bandang Aerosmith para sa kanilang concert na idaraos ngayong ika-8 ng Mayo sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay. Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Linggo, maagang dumating sa bansa ang nasabing banda upang mas makapag-ensayo pa sa kanilang first ever concert dito sa bansa. Bukod pa rito, maaga silang dumating upang sanayin at makapag-adjust sa mainit na panahon dito. Binubuo nina Steven Tyler, Joe Perry, Brad Whitford, Tom Hamilton at Joey Kramer ang banda. Ilan sa mga pinakasikat nilang awitin ay ang "Jaded," "I Don't Wanna Miss a Thing," "Dream on," at "Walk This Way." — Mac Macapendeg/BM, GMA News Basahin: Aerosmith's Tyler and Perry send message to Pinoy fans

Tags: aerosmith