ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LJ Reyes, inusisa tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Paulo Avelino


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa showbiz talk show na "Startalk" nitong Sabado, inusisa ang Kapuso actress na si LJ Reyes tungkol sa umano'y pag-amin nito na hiwalay na sila ni Paulo Avelino. Last year, lalong lumakas ang hinala na hiwalay na ang dalawa nang hindi banggitin at pasalamatan ni Paulo si LJ at kanilang baby na si Akio nang tanggapin nito ang kanyang award sa Urian. Sa panayam ng "Startalk" kay LJ, nakangiting inihayag ng aktres na: "Basta for me ang importante masaya ako, masaya si Akio, masaya kami." Umaasa din siyang mabibigyan at rerespetuhin ang kanilang privacy sa naturang isyu ng kanilang pagsasama. "Basta happy kami... basta sana happy tayo lahat parati," dagdag ng aktres. - FRJ, GMA News