ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Red carpet event ng 'Fast and Furious 6,' dinagsa ng fans


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinagsa ng Pinoy fans ang idinaos na red carpet event para sa special screening ng action-packed Hollywood film na "Fast and Furious 6" sa Music Hall ng SM Mall of Asia nitong Miyerkules.    Unang dumating sa red carpet na sakay ang mamahaling sasakyan si Luke Evans na gumaganap bilang kontrabidang si Owen Shaw sa pelikula.   Bukod sa autograph signing, kumanta rin si Luke ng isang Pinoy song.    Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na nakarating sa Pilipinas si Luke at ilang Pinoy actors na rin ang kanyang nakatrabaho.   Sunod na dumating ang aktres na si Gina Carano suot ang long black dress, sakay ng 'Challenger'.    Naghiyawan lalo ang fans nang  dumating na si Michelle Rodriguez.   Hindi makapaniwala si Michelle sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy fans.    "I love you, Manila," pahayag ng Hollywood actress.   Pinakahuling dumating ang bida ng pelikula na si Vin Diesel na nakasuot ng itim na sando.    Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng Hollywood special screening sa bansa na dinaluhan mismo ng ilang cast members.    Inihayag naman ng producer  ng pelikula na asahan na magkakaroon ng "Fast & Furious 7" sa susunod na taon.    Namataan naman sa special screening ang magkapatid na Phil at James Younghusband. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News