ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jason Mraz, napahanga umano sa kwento ng buhay ni Zendee Rose


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masayang ikinuwento ng Youtube sensation na si Zendee Rose Tenerefe ang kanyang naging karanasan matapos maka-duet sa concert ang international singer at songwriter na si Jason Mraz. Sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ni Zendee na dream come true para sa kanya na maka-duet si Jason sa concert nitong Martes ng gabi sa Smart Araneta. Ikinagulat din ng mga manonood nang mismong si Jason ang nagpakilala kay Zendee bilang front-act sa kanyang concert. Ayon kay Zendee, nabawasan ang kanyang kaba dahil sa kababaang-loob at pagiging kalog ni Jason sa backstage. Pinalakas din daw ni Jason ang kanyang loob at nagbigay din ng ilang tip kung papaano ang tamang pagkanta. Pinirmahan pa ni Jason ang kanyang gitara. Idinagdag ni Zendee na nalaman ni Jason at nagustuhan ang kwento ng kanyang buhay. Matatandaan na unang sumikat si Zendee sa Youtube matapos maging viral ang kanyang video habang kumakanta sa isang mall. -FRJimenez, GMA News