ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood actor Vin Diesel, ano kaya ang ibinulong kay 'Star Bites' anchor Luane Dy?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang one-on-one interview kaugnay ng pelikulang "Fast and Furious 6", niyakap at may ibinulong ng Hollywood actor na si Vin Diesel sa Kapuso showbiz anchor na si Luane Dy. Kabilang ang showbiz anchor si Luane Dy ng "Balitanghali" ng GMA News TV,  sa nabigyan ng pagkakataon na makapanayam si Vin Diesel na kasalukuyang nasa Pilipinas para sa Asian premiere ng "Fast and Furious 6." Sa panayam, ikinuwento ni Vin na bukod sa mga action scenes, dapat ding subaybayan ng mga manonood ang love story sa pinakabagong installment ng pelikula. Inihayag din ng aktor ang hirap na pinagdaanan nila sa paggawa ng mga delikado at pambihirang stunts nito. Muli, pinuri at pinasalamatan ni Vin ang mga Pinoy fans sa mainit na pagtanggap sa kanilang cast member ng "Fast and Furious 6." Hindi na umano siya makapaghintay na makabalik ng US para maipagmalaki ang mga karanasan niya sa Pilipinas. Kasabay nito ang pagtiyak ng aktor na muli siyang babalik. "You know I will be back," aniya. "It's not a matter of if. It's only matter of when." Sa huling bahagi ng panayam, nagpahayag si Vin habang nakaturo sa camera ng, "...and my God, nobody warned me about the beauty... no one told me." Sa pagtayo ni Luane para kamayan at pasalamatan si Vin, humiling ang aktor na mayakap ang Kapuso host na nag-aalis pa lang ng lapel mic at binulungan ng: "I love you... I love you." Natawa naman dito si Luane sabay sabi kay Vin na, "Enjoy the Philippines." Bukod kay Vin, nasa bansa rin ang iba pang cast member ng pelikulang "Fast and Furious 6" na sina Michelle Rodriguez, Luke Evans at  Gina Carano.-- FRJimenez/ELR, GMA News