Pauleen Luna, hindi raw maglilihim kapag ikinasal
Nagsalita na si Pauleen Luna tungkol sa napabalitang ikinasal sila ng kapwa Eat Bulaga host na si Vic Sotto nang magbakasyon sila sa Macau nitong nakaraang Holy Week. Sa panayam na lumabas sa Startalk TX nitong Sabado, sinabi ni Pauleen na nagulat sila ni Vic nang malaman ang naturang balita na kasal na sila. "Hindi ko lang alam kung saan nanggaling," aniya. "Nagulat (ang reaksiyon), kasi buti pa sila alam nila." Basahin: Vic Sotto at Pauleen Luna, sekreto nga bang ikinasal sa Macau? Maging ang pamilya umano niya ay hindi rin naniwala sa naturang balita dahil batid nila na hindi ito totoo. "They trust me enough and they know me naman na I'll tell them," anang dalaga. Itinuturing ni Pauleen na malaking desisyon ang pagpapakasal kaya hindi umano niya ito ililihim. Inihayag din ng aktres na hindi nila napag-uusapan ang kasalan. "If ever that time comes, hindi naman itatago," aniya.