ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Burol ni Bella Flores, bukas sa publiko


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bukas ang burol ng "prima contravida" na si Bella Flores sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City para sa lahat ng mga nagnanais na magbigay pugay sa aktres.
 
Pumanaw ito noong Linggo sa Quezon City General Hospital dahil sa cardiac arrest. 
 
Gayundin, ang nag-iisang anak nitong si Ruby Garcia ay nagpapakatatag sa gitna ng labis na pangungulila ng yumaong ina.

 
Bukod sa mga kaanak, dumating din sa unang gabi ng burol ang ilang kaibigan sa showbiz kabilang na ang StarTalk host at kolumnistang si Butch Francisco.
 
Tatlong gabing ibuburol ang labi ni Bella Flores sa Loyola Memorial Chapels. —Mac Macapendeg/KG, GMA News
Tags: bellaflores