ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Pepito Manaloto' cast, pinasaya ang fans sa Estados Unidos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinasaya ng cast ng weekend comedy show na "Pepito Manaloto" ang kanilang mga taga-hanga sa California sa Estados Unidos kamakailan.   Ayon sa ulat ng "Balitanghali" nitong Martes, tuwang-tuwa ang mga Pinoy at ilan pang shoppers nang makita nila ang cast sa meet and greet day ang ang cast ng nasabing programa na pinangungunahan ni Michael V na gumaganap bilang si Pepito Manaloto.   Game na game din ang buong cast sa pagpapa-picture ng fans at hindi rin sila nagpahuli sa pamimili.   Kasalukuyang nasa California ang cast ng "Pepito Manaloto" kabilang sina Manilyn Reynes, Jake Vargas, at iba pa upang mag-shoot ng ilang episode.   Kasama nila sa naturang trip ang Master Showman ng Philippine showbiz na si German "Kuya Germs" Moreno. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News