ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maxene Magalona, itinangging binugahan niya ng alak si Bela Padilla sa isang bar


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinabulaanan ng Kapuso actress na si Maxene Magalona ang intrigang may mainit silang paghaharap ng kapwa nitong aktres na si Bela Padilla sa isang bar kamakailan.    Ayon sa ulat ng "Balitanghali" nitong Martes, wala raw katotohanan ang naiulat sa isang tabloid na nagsasabing binugahan niya ng alak ang "Love And Lies" star.   "I never get physical. Actually, yung mga tao, yung mga bashers online, yung mga bashers sa internet o yung mga tao na ayaw sa'kin, hindi ko naman sila pinipilit na gustuhin ako," pahayag ng aktres.   Dagdag pa nito, "Ang sa'kin lang is the way I handle them is kebs [wala] lang. Hindi ko na lang sila pinapansin."   Matatandaang may namuong tensyon sa pagitan ng dalawang aktres dahil kasintahan ngayon ni Bela ang dating karelasyon ni Maxene na si Niel Arce.    Giit pa ni Maxene, hindi raw niya ugali ang mang-away at malayo ring gumawa siya ng ganitong eksena sa isang pampublikong lugar.   Nitong Martes ng hapon ay nagbigay ng pahayag si Bela tungkol sa naturang isyu sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

 
This is not true. @maxenemagalona didnt do this to me.i work almost everyday and i don't go to bars.“@gmanewsonline: gmane.ws/19ZkI5g- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News