ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, kanino inialay ang carrier single sa kanyang debut album?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Excited na ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa launching ng kanyang first album na ang carrier single ay "Haplos," na soundtrack sa primetime series na "Mundo Mo'y Akin." Sa panayam, inihayag ni Alden ang pasasalamat sa kanyang co-star sa "Mundo Mo'y Akin" na si Jolina Magdangal na nagsilbing mentor niya sa pagkanta. Isa raw sa mga magagandang tips na ibinigay sa kanya ni Jolina ay ang isapuso ang pag-awit. Ang sound track sa "Mundo Mo'y Akin" na "Haplos" ang carrier single ni Alden sa album na iniaalay daw niya sa kanyang namayapang ina. "Siguro kung buhay pa yung mom ko para sa kanya yung line na 'lahat ibibigay basta't sa akin ika'y wag nang mawawalay,'" sambit ni Alden sa ulat ng "Unang Balita." Gaganapin sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Linggo, May 26, ang launch ng debut album ni Alden. - FRJimenez, GMA News