ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heussaff, planong magsagawa ng seminar tungkol sa pagbabayad ng buwis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nais ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff na magsagawa ng isang seminar para sa mga kapwa artista tungkol sa pagbabayad ng buwis. Naisip ito ng aktres kasunod na rin ng kinakaharap niya  tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue.   Ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabi Solenn na napapanahon na mabigyan ng sapat ng kaalaman ang mga kapwa niya artista tungkol sa usapin ng pagbabayad ng buwis.   Inihayag ni Solenn na hindi niya nais mangyari sa ibang artista ang nangyari sa kanya.   Inireklamo si Solenn ng BIR ng tax evasion noong nakaraang Abril matapos na hindi umano magtugma ang binayaran nitong buwis sa kabuuan ng kanyang kinita sa trabaho. Naghain naman ng petisyon nitong nakaraang Mayo sa Department of Justice ang aktres para itanggi ang paratang ng BIR. Basahin: Solenn Heussaff denies tax evasion charges in counter-affidavit   Bukod sa plano niyang seminar, abala rin ngayon si Solenn sa iba't ibang gawain tulad ng kanyang pagpipinta.   Balak din niyang magkaroon ng sariling gallery o exhibit para maipakita ang kanyang naiguhit.   Abala rin ang aktres sa recoding studio para sa launching ng kanyang second album. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News