ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Enzo Pineda at Louise delos Reyes, muling magkakasama sa 'Sunday All-Stars'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos aminin ang kanilang breakup, muling magkakasama sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes sa bagong Kapuso Sunday variety show na "Sunday All-Stars" na magsisimula ngayong Linggo, May 16.   Tiniyak naman ni Enzo, lead actor ng afternoon drama series na "Kakambal ni Eliana," na walang ilangan sa kanilang dalawa at nananatili naman silang magkaibigan matapos ang kanilang hiwalayan.   "For me, it's work and kami ni Louise we're both professional, nag-usap kami about it na yeah, okay lang 'to... We're good friends," saad ni Enzo.   Dagdag niya, "So walang ilangan kasi marami kaming pinagsamahan. Ang pangit naman kapag there's something in between us or may wall."   Mapapabilang si Enzo sa "Ligang I Like" ng Sunday All-Stars, na  pamumunuan ni Jolina Magdangal. Ang tatlo pang grupo ay ang "Insta Gang," "Tropang Trending" at "Tweets Heart."   "It's kinda like variety slash game show, so, it consists of four groups and I'm part of Ate Jolina's [Magdanga] group, the 'I like group.' Tapos every week we get to from a big [production] number. It's kinda like a healthy competition between the four groups," kuwento pa ni Enzo sa panayam ni Rhea Santos sa Unang Hirit nitong Huwebes.   Still single   Bagama't ilang buwan na rin ang lumipas mula nang maghiwalay sila ni Louise, nananatili pa ring single ang Kapuso actor.   "Hindi ko naman hinahanap. Kung may dumating, you just have to acknowledge it na parang yes, okay, may dumating so parang I have to be in love and happy," kwento nito.   Pinabulaanan din ni Enzo ang mga balitang may romantikong ugnayan sila ng katambal niya sa Kakambal ni Eliana series na si Kim Rodriguez.   "Hanggang doon muna [magkaibigan] kasi for me it would be awkward kung nagkakaroon ng ligawan sa set. Tapos work is work at mas maganda kung magfocus kami doon," aniya.   Sexy Enzo Pineda   Samantala, noong nakaraang taon ay kakaibang Enzo ang ipinakita ng aktor sa kanyang mga tagahanga nang rumampa siyang topless sa fashion show ng isang clothing brand.   "I did that [pa-sexy] last year just because I want to prove something, I want to show something else especially sa mga fans ko, sa mga viewers para alam mo 'yon, they get to see a different side of Enzo,"  ayon sa aktor.   Nang tanungin kung maaari pa ba niyang higitan ang ginawang pagpapa-sexy, tugon ni Enzo: "I'm open to it and siguro confident naman ako." - MMacapendeg/FRJ, GMA News