ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga Eat Bulaga! dabarkads, may mensahe kay Ryzza Mae Dizon na nagdiwang ng kaarawan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging engrande ang selebrasyon ng ika-walong kaarawan ng child wonder na si Ryzza Mae Dizon nitong Miyerkules.    Sa kanyang programa na "The Ryzza Mae Show," special guest ng binansagang "Aling Maliit" ang mga EB host na sina Vic Sotto, Tito Sotto, at Joey de Leon.   Sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Huwebes, ipinaalam ng mga Eat Bulaga host ang kani-kanilang mensahe para kay Ryzza.   "Happy Birthday Ryzza at magkasama-sama pa kami ng matagal. Nakakatuwa yang batang 'yan," ayon kay Joey.   "Sa akin gusto ko huwag ka nang lumaki, eh," pagbibiro naman ni Jimmy Santos.   Pahabol naman ni Pauleen Luna: "Happy Birthday! Alam mo naman na love kita, diba?"   Nagpasalamat naman si Ryzza sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.   Bukod naman sa mahusay na kalusugan para sa kanyang pamilya, wish din daw ng child star na magkaroon na sila ng sariling bahay. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News