advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Carmela' at 'Rhodora X,' naging trending topics bago at matapos ang pilot episodes


Nagsimula na nitong Lunes ng gabi ang mga bagong Kapuso series na aabangan gabi-gabi; ang "Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw" at ang "Rhodora X."  Inabangan at pinag-usapan ang naturang pilot episodes ng mga programa.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, sinabing nag-trend sa Twitter -- hindi lang sa Pilipinas kung hindi worldwide -- ang pilot episode ng dalawang Kapuso primetime series.



Basahin: Carmela, Rodora X at Paraiso Ko'y Ikaw, hot topic sa Twitter!

Ang "Carmela" ay pinagbibidahan nina Marian Rivera at Alden Richards, habang sina Jennylyn Mercado at Mark Herras naman sa "Rhodora X."

Sa hiwalay na ulat sa GMANetwork.com, sinabing hindi pa nagsisimula ang programa, umabot na sa 3rd spot ng Twitter trending list sa Pilipinas ang official hashtag na #CarmelaPilot.

Patunay umano ito na inabangan ng mga viewer ang show at ang pananabik nilang masilayan ang bagong tambalan sina Marian at Alden.

At bago matapos ang show, umakyat sa top spot sa Twitter trending list ang hashtag na #CarmelaPilot worldwide. Sa tweets ng netizens at iba’t ibang celebrities, ibinahagi nila ang kanilang paghanga sa cinematography, ganda ng kuwento at ang mahusay na pag-arte ng cast.

Maliban sa "Carmela" at "Rhodora X," inilunsad din ng GMA ang bagong afternoon series na "Paraiso Ko’y Ikaw" nina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin na humataw rin sa trending list ng Twitter nitong Lunes.

Abangan ang mas matitindi pang mga eksena sa "Carmela," "Rhodora X" at "Paraiso Ko'y Ikaw" sa GMA. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT