advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, magkakaroon ng dance show sa GMA-7


Hindi pa man nagtatapos ang "Carmela," isang bagong dance show ang pangungunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras," sinabing na-extend ng tatlong linggo ang primetime soap ni Marian, ang "Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw."

At ngayon, pinaghahandaan na rin ng aktres ang kaniyang magiging kauna-unahang dance show sa GMA-7.

"Nang inoffer  sa akin yung show, sabi ko, 'wow.' Isa din 'to sa mga gusto kong gawin talaga," ani Marian.



Sa "Carmela" naman, si Marian mismo ay nasasabik sa mga mangyayari lalo pa ngayong mas tumitindi ang mga hadlang sa pagmamahalan nila ni "Yago," na ginagampanan ni Alden Richards.

"Kasi gagawing lahat ni Dante parang lang makuha niya sa Carmela. So lahat ng pwede niyang gawin at sipsipan, gagawin niya para makuha niya si Carmela," patungkol ni Marian kay Raymond Bagatsing na gumaganap sa karakter ni Dante.

Sa ngayon, masayang-masaya raw si Marian maging sa kanyang personal na buhay.

Noong Linggo, pinanood niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes sa pagsali nito sa karera ng motorsiklo. Na-enjoy naman daw niya ang panonood pero hindi niya naiwasang kabahan para sa nobyo. -- FRJimenez, GMA News
Tags: marianrivera
LOADING CONTENT