Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kandidata sa 'Super Sireyna Worldwide,' nakaranas daw ng pananakit sa kaniyang kababayan


Bukod sa pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, masaya raw ang mga dayuhang kalahok sa Super Sireyna Worldwide pageant ng "Eat Bulaga" dahil nakita nila ang pagtanggap ng mga Pinoy sa mga katulad nilang transwomen. Sa "Starbites" report ni Cata Tibayan sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Biyernes, ipinagtapat umano ni Miss Sahhara ng Nigeria, na nakaranas siya ng pananakit mula sa kanyang mga kababayan na hindi matanggap ang kaniyang pagkatao. Kaya naman hiling ng mga dayuhang kalahok sa Super Sireyna Worldwide, sana raw ay matanggap din sila sa kani-kanilang sariling bansa. Bukod kay Miss Sahhara, makikipagtagisan din ng ganda at talino sina Isabela Santiago ng Venezuela; Susi Villa ng Ecuador; Laeticia Paten ng India; ang look-a-like ni Katy Perry na si Jessica Spirit ng Germany; Lily Leiwilaichalerm ng Thailand; Annabel Yu ng Japan; at ang pambato ng Pilipinas na si Trixie Maristela. Basahin: Sinong bet mo?: Tatanghaling Eat Bulaga 'Super Sireyna Worldwide' Kasabay nito, nakikiisa rin sa pagdarasal ang mga kandidato para sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong "Glenda." Balak naman nina Miss Nigeria at Miss Ecuador na bumisita sa island party destination na Boracay at Cebu pagkatapos ng pageant.   Bukas, Sabado, magaganap na ang bonggang grand finals Super Sireyna Worldwide sa "Eat Bulaga!" -- FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT