ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sperm donor sa magiging anak nina Aiza Seguerra at Liza Diño, pinag-aaralan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang ikinakasa na ang kanilang kasal, pinag-uusapan na rin nina Aiza Seguerra at partner niyang si Liza Diño ang pagkakaroon ng sarili nilang biological baby.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ni Aiza kung papaano ang gagawin nila ni Liza para magkaanak.

Basahin: Liza Diño and Aiza Seguerra sorting out wedding details

Basahin: Aiza and Liza on 'Tunay na Buhay:' A love story over a decade in the making



"Hopefully next year. Ang plano is insemination pero instead of me, sa akin i-inseminate, we'll use my egg and she will carry," ani Aiza.

Ang kailangan daw nila ay ang magiging sperm donor.

"We're still thinking kung magiging kaibigan ba siya or unknown yung donor. Kasi may mga pros and cons din 'yon," dagdag ni Liza.

Pero bago ang pagkakaroon ng anak, mauuna raw muna ang pagpapakasal nila.

"Hindi siya legal dito that's why we will do the legal ceremony sa states and then here yung symbolic ceremony," ani Aiza.

"Yung sa states, either September or October. Basta within the year, and then sa Pinas, sometime January," dagdag niya.

Sa ngayon, abala muna sina Aiza at Liza sa gagawin nilang concert sa Music Museum sa August 22. -- FRJ, GMA News