Gwen Zamora, kabilang sa mga dumalo sa misa ni Pope Francis sa Tacloban
Kabilang ang "Bubble Gang" star na si Gwen Zamora sa libo-libong tao na nagtungo sa Daniel Romualdez International Airport sa Tacloban nitong Sabado upang masilayan si Pope Francis at makadalo sa misa na pinangunahan ng Santo Papa.
Ayon kay Gwen sa kaniyang Instagram post, alas-5 pa lamang ng umaga ay naghihintay na siya sa naturang airport. Matapos ang misa, sinabi ng Kapuso actress na hindi niya malilimutan ang naturang pagkakataon.
Nobyo ni Gwen ang anak ni Tacloban city Mayor Alfred Romualdez, na si Raymund.
Kahit masama ang panahon sa lalawigan dahil sa bagyong "Amang," nagtungo si Pope Francis sa Leyte nitong Sabado upang makiramay sa mga naging biktima ng kalamidad tulad ng bagyong "Yolanda."
Basahin: Pope Francis sa mga biktima ng bagyong 'Yolanda': 'Jesus never lets you down'
Pero dahil inaasahang lalakas pa ang pag-ulan sa lalawigan, kinailangang paigsiin ang aktibidad ng Santo Papa at bumalik sa Maynila ng mas maaga kaysa sa nakaplano.
Basahin: Pope Francis, humingi ng paumanhin sa napaikling pagbisita sa Leyte
Sa halip na 5:00 pm pa ang pag-aalis niya sa Leyte, sumakay ng eroplano pabalik ng Maynila si Pope Francis dakong 1:00 p.m.
LINK: http://instagram.com/p/x7gDAZyVYM/?modal=true
LINK: http://instagram.com/p/x8Vt1oyVZR/?modal=trueIndeed an unforgettable experience. ?? #popefrancis #tacloban #blessed
A photo posted by gwenzamora (@gwenzamora) on
-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News