Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana shares frustration over canceled shoot on Instagram


Kagaya ng lahat ng Pilipino, masipag rin na kumakayod para sa kanilang mga sarili at pamilya ang Pinoy celebrities. 
 
Kilala ang mga artista sa kanilang hectic schedules dala ng pagkayod mula umaga hanggang gabi o mas matagal pa, kaya naman ganun na lang ang pagka-dismaya ng aktres na si Carla Abellana nang ma-cancel ang kanyang shoot noong Biyernes ng umaga.
 
Ayon kay Carla sa isang Instagram post, nagbago ang oras ng kanyang shoot at kinailangan niyang gumising ng maaga at magmadali upang makaabot sa bagong oras.

 

Gigisingin ka para sabihing naging mas maaga ng dalawang oras ang calltime mo. Babangon ka para maligo, mag makeup, magbuhok at magbihis sa loob ng isang oras. Record sakin yun. I-cacancel mo lahat ng appointment mo na sana gagawin mo bago ka mag trabaho. Endorsement to eh, mas importante at ayaw na ayaw mo silang biguin. Magmamadali kang umalis ng bahay dahil bukod sa ayaw mong ma-late, alam mong biyernes ngayon kaya doble ang traffic. Nasa North ka nakatira at nasa dulo ng South ang trabaho mo. Sumakay ka ng kotse hingal na hingal ka pa. Nakarating ka sa trabaho mo ng mas maaga pa ng konti. Masaya ka dahil nakaabot ka at alam mong mapapasaya mo ang kliyente. Biglang sasabihin sayo na balik na sa orihinal na calltime ang trabaho mo. So ngayon mas maaga ka na sa location ng dalawang oras. Naghahanap ka ng libangan, pupunta nalang muna sa ibang lugar. Palayo ka na ng konti para lang malamang cancelled nalang pala ang trabaho mo. Hindi naman yata tama ito. #tsktsk

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on

 
"I-cacancel mo lahat ng appointment mo na sana gagawin mo bago ka mag trabaho. Endorsement to eh, mas importante at ayaw na ayaw mo silang biguin. Magmamadali kang umalis ng bahay dahil bukod sa ayaw mong ma-late, alam mong Biyernes ngayon kaya doble ang traffic. Nasa North ka nakatira at nasa dulo ng South ang trabaho mo... Masaya ka dahil nakaabot ka at alam mong mapapasaya mo ang kliyente. Biglang sasabihin sayo na balik na sa orihinal na calltime ang trabaho mo. So ngayon mas maaga ka na sa location ng dalawang oras," paglalahad ng aktres.
 
Dagdag pa niya, "Hindi naman yata tama ito."
 
Samantala, dinamayan naman ng netizens si Carla, at sinabing kagaya ng lahat, kailangang respetuhin ang oras na aktres dahil tao rin siya at napapagod rin.
 
Hindi pa natutukoy kung sino ang kliyenteng sinasabi ni Carla sa kanyang post, at hindi pa rin nakapagbibigay ng karagdagang pahayag ang aktres ukol dito. — JST, GMA News