Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros to star as transgender woman in indie film


Hindi na lamang sa social media bibida ang make up transformations ng Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros, kundi maging sa indie film tungkol sa isang transgender na ipapalabas sa 2015 Hongkong-Asia Financing Forum.
 
Ayon kay Paolo, ang next project niyang ito na pinamagatang "Die Beautiful" ay isang comedy-drama indie film tungkol sa isang Filipino trans-woman na hiniling na mailibing siya bilang si Lady Gaga.
 
 
Ang naturang pelikula ay nasa ilalim ng direksyon at panulat ni Jun Robles Lana.
 
Dagdag pa ng film enthusiast na si Mell Navarro sa kanyang Facebook account, "The film, like Barber's Tales, is already selected by the Hong Kong Asian Film Financing Forum for funding assistance, to be co-produced by APT Entertainment."
 
Bukod sa 'Die Beautiful,' pasok rin sa HAFF 2015 ang 'American Serial Killer in Manila' ng Pinoy director na si Mikhail Red.
 
Kabilang sa makakasama ni Paolo sa naturang indie film ang aktres na si Diana Zubiri. —JST, GMA News
LOADING CONTENT