advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Caleigh, wish na maging superstar

Anak ni Jackie Forster na si Caleigh, magaling na sa sakit na leukemia


Dumalo ang ilang big celebrities sa birthday at thanksgiving party na inihanda ng dating aktres na si Jackie Forster para sa anak niya na si Caleigh.

Bukod sa 5th birthday celebration ni Caleigh, pasasalamat din daw ito ni Jackie sa paggaling sa sakit na leukemnia ng anak, ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Balitanghali nitong Miyerkules.



Mahigit isang taon ding sumailalim sa gamutan si Caleigh.

"Caleigh is doing well. She's been in remission for over a year, wala na siyang cancer," ani Jackie.

Bukod sa mga batang kaibigan ni Caleigh, naroon din sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa kasama ang kanilang anak na si Jade.

Dumalo rin si Danica Sotto kasama ang mga anak, at maging ang mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag, at kanilang dalawang anak.

Dumating din ang pamilya ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer.

Masayang-masaya si Caleigh at marami raw siyang birthday wishes. Kabilang dito na makasama ang kaniyang mga kapatid na sina Kobe at Andre Paras.

Paglaki niya, nais daw ni Caleign na maging superstar at nag-sample siya ng pag-awit ng "Roar" ni  Katy Perry. -- FRJ, GMA News
LOADING CONTENT