advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
THE BUBBLE BIBLE

Sneak peek at Michael V's upcoming book


 
 
 
 
 
 
 
Pinagsama-sama ang 12 sa mga pinasikat na karakter ng batikang aktor, singer, at komedyante na si Michael V. mula sa longest-running Kapuso comedy gag show na 'Bubble Gang' sa pinakabagong libro na gawa mismo ni Bitoy.
 
Kabilang sa mga makikita ng mga mambabasa sa 'The Bubble Bible by Bitoy' ang mga nakatutuwang larawan ng kaniyang mga panggagaya at pagbuo ng mga bagong karakter, pati na ang ilan sa mga itinuring na best gags at jokes, at ilang hindi malilimutang kuwento mula sa 20 taon ni Bitoy sa industriya ng pagpapatawa.
 
Laman ng libro ang ilang 'tiis-ganda' secrets ni Yaya Rosalinda “Cha-Cha” Lucero, pati na ang mga itinatagong tattoo ni Tata Lino, ang mga yaman ni Don Miguel de Ayalabang, ang workout routine ng Sexballs, at marami pang iba.
 
Tampok rin sa libro ang ilan pa sa mga karakter na binuo ni Bitoy, gaya na lamang nina Junie Lee, Madam Rocha, Mr. Assimo, Mr. Matapobre, Bonggang Bonggang Bongbong, DJ Bumbay, at Doña Yna Moran.
 
Abangan ang 'The Bubble Bible by Bitoy' sa mga bookstore at magazine stand ngayong Disyembre. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
LOADING CONTENT