Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Get to know Russian model Alina Bogdanova, Kalyeserye's Cindy Kournikova


Nakuha ng Russian model na si Cindy Kournikova ang atensyon ng AlDub Nation at lahat ng mga tumutok sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga nitong Martes.

Si Cindy ang inirereto ni Lola Babah sa kaniyang apong si Alden, at siya rin ang magiging karibal ni Yaya Dub sa puso ng Pambansang Bae. Sa katunayan, nais na ni Lola Babah na mag-date ang dalawa upang magkakilala sila nang mabuti.

Marami man ang kinabahan para sa forever ng AlDub, marami rin ang hindi itinanggi ang kanilang paghanga sa kagandagan ni Cindy, na napag-alamang Alina Bogdanova ang tunay na pangalan.

Si Alina ay totoong Russian model, at tatlong taon na siyang nananatili sa Asya bilang bahagi ng kaniyang modelling career.

Ilan pa sa mga bansang kaniyang napuntan ay ang China, Istanbul, at Indonesia.

Hindi rin dapat mangamba ang mga AlDub Nation o MaiDen supporters, dahil sa totoong buhay mayroon nang kasintahan si Alina na isang Filipino model.

 

 
 
 
 
 
 

 

-- FRJ, GMA News