Local celebrities na ikinasal ngayong taon
Napuno ng pagmamahalan ang taong 2015 matapos magpakasal ang ilang celebrities sa kani-kanilang mga kasintahan.
Naging sunod-sunod ang kasalan mula Enero hanggang Hunyo nang ikasal sina Jim Bacarro at Saab Magalona, Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, Carlos Lopez at Kitchie Nadal, Alister Kurzer at Jewel Mische, Patrick Garcia at Nikka Martinez, Gab Valenciano at Tricia Centenera, John Prats and Isabel Oli, at Paul Soriano at Toni Gonzaga.
Sumunod namang ikasal noong Nobyembre sina Jert Yao at Kapuso reporter na si Cata Tibayan, at sina BJ Albert at Nikki Gil.
Bago matapos ang taon, nagpalitan na rin ng “I Do” ang dating “Eat Bulaga!” host at singer na si Lougee Basabas at ang kaniyang kasintahan na si Ali Alejandro, anak ng batikang OPM singer na si Hajji Alejandro.
-- FRJ, GMA News