Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anak ni Kris Aquino na si Bimby, naaksidente sa eskwelahan


Dinala sa ospital ang anak ni Kris Aquino na si Bimby matapos na maaksidente ito nang madulas at tumama ang ulo sa sahig sa loob ng paaralan.

Sa Instagram post nitong Miyerkules, ikinuwento ng television host-actress ang nangyari sa anak habang naglilinis sa kusina ng eskwelahan na bahagi ng pagsasanay sa mga estudyante na maging independent.

"Bimb was cleaning the kitchen in their school, part of the program to teach independence- the floor was just mopped & very wet & he fell & hit his head hard," ani Kris.

Nasa malayong lugar daw si Kris dahil sa taping kaya nagpasalamat siya sa kaniyang kapatid na si Viel na siyang umalalay sa kaniyang bunso sa ospital.

Wala naman daw nakitang problema kay Bimby nang isailalim ang bata sa CT scan kaya labis ang pasasalamat ni Kris.

"CT Scan is thank God clear. I'm grateful that @mrandmrsfrancisco are also parents & understood when I left them in the farm where we were taping so that I can travel back to be w/ Bimb... Ang hirap mag trabahong malayo sa anak. I'm just blessed I can really depend on my siblings when I'm taping far from home, 1 quick call to Viel & she was on her way to be w/ Bimb," dagdag ni Kris.

Sa isang larawan na ipinost ni Kris, makikita si Bimbi habang nasa ospital.

 

-- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT