advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUB27thWeeksary

Alden and Yaya Dub open first AlDub library


Magkasama sa Laguna sina Alden at Yaya Dub hindi lamang upang ipagdiwang ang kanilang 27th weeksary kundi upang manguna rin sa pagbubukas ng kauna-unahang AlDUb Library sa Lumban Central Elementary School.

Sabay na dumating ang phenomenal love team sa Laguna, kung saan naghihintay na sina Lola Nidora at Tinidora.

Bilang munting regalo para sa kanilang weeksary, ipinakita ni Alden kay Yaya Dub ang ilan sa kaniyang mga natutuhan sa pag-aaral na tumugtog ng instrumento.

Matatandaang ito ang unang pagsubok ni Yaya Dub sa Pambansang Bae upang makuha na nito ang matamis niyang “oo.”

 

 

Lalo pang nagpakilig ang AlDub nang mag-Dubsmash sila habang magkahawak ang kamay.

 

 

Napalitan naman ng kaligayahan ang kilig nang sabihin nina Alden at Yaya Dub na bubuksan na ngayong Huwebes ang kauna-unahang AlDub Library.

Kasama sina Lola Nidora at Tinidora, ipina-bless ang naturang silid-aklatan sa Lumban Central Elementary School, kung saan bukod sa libro at mga bagong lamesa at upuan ay mayroon pang bagong computer sets.

Nagsimula ang pagpapagawa ng AlDub Libraries matapos ang matagumpay at makasaysayang "Sa Tamang Panahon Show" sa Philippine Arena noong Oktubre, kung saan nakalikom ng P14 million ang “Eat Bulaga!” mula sa ticket sales. 

Labis ang pasasalamat ng AlDub at ng mga Dabarkads sa mga nag-ambag upang maging posible ang pagpapatayo ng AlDub Libraries.

 

 

Bago tuluyang magtapos ang Kalyeserye, sinabi ni Lola Nidora na mayroong magaganap na bridal shower sa mga susunod na araw.

Abangan ang mga susunod na tagpo sa Kalyeserye upang malaman kung para kanino ang nasabing bridal shower na ipagdiriwang ng mga Dabarkads. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

LOADING CONTENT