advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

It's a boy for Iya and Drew


Ibinahagi na ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania ang kasarian ng kanilang magiging panganay, kasabay ng taunang selebrasyon ng Mother's Day.

Sa isang video, makikitang kasama ng Kapuso celebrity couple ang kanilang pamilya, na hindi rin maitago ang kanilang pananabik sa gagawing “gender reveal” ng first-time parents.

Ayon kay Iya, wala umanong tatalo sa reaksiyon ng kaniyang ina, na excited na sa pagdating ni Baby A.

 

 

Kamakailan lamang, ibinabahagi rin ni Iya ang mga paghahandang ginagawa niya sa nalalapit na pagdating ng panganay na anak nila ni Drew, gaya na lamang ng pag-eehersisyo at pagdalo ng breastfeeding seminar.

Matatandaang ibinahagi ng mag-asawa ang balita ng pagbubuntis ni Iya nitong nakaraang Marso, kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. — APG, GMA News

LOADING CONTENT